Preclimb, proper climb and post climb.
First climb ng batch namin noon sa Famy. Hindi na ako nakasama ng Romelo meron kasi kong CMT ng linggo tapos may long quiz pa ako ng the following day. Buti na lang din hindi ako nakasama sa kanila. Imagine, first climb ko famy? Wala lang… Arayat ako! (may konting yabang)
. Anyway after 3 days ng climb nila ang kasunod nun agad ay post climb. Ayokong mag attend kasi wala naman akong participation dun. Pero nagpunta pa rin ako. Tayna daming tao sa tambayan punuan at umuulan pa nun. Hindi ako maka-relate sa mga pinag-uusapan nila. May mga estudyanteng matataas ang boses, merong nakayuko, may tumatawa, may bumubulong, may nagagalit, may nagtataas ng kamay at may mga seryoso. Umalis din ako agad, ayokong inaabutan ng 5pm sa Taft… i was then a very typical applicant…aral lang. (baduy!)
Sa Arayat ang first climb ko. Then sinundan syempre ng very 1st post climb ko. Nung bago ko sa MESAU kala ko sa postclimb ay aakyat ulit or may babalikan dun sa huling climb. Kala ko nun may naiwan na miyembro or kapwa ko aplikante. Kaya nung nasa tambayan na ko para sa post climb, nalaman ko na may tama din pala ko kahit papaano! May babalikan nga dun sa climb! Hinimay-himay nila lahat mula preclimb, properclimb pati orientation at BMC. Meron pang dinamay na topic pati yung major climb ng sembreak at yung napakalayo pang anniversary climb naisingit din! Lahat sila konektado, kaya ang tagal…kaasar! Kaming mga aplikante nakikinig lang sa mga miyembrong nag-uumpugan ng opinyon.
SPACE SPACE SPACE SPACE SPACE SPACE SPACE SPACE.
Meron pa akong napansin. May grupo ng mga matatandang MESAU na nasa sulok parang hindi sila seryoso sa meeting. Parang wala silang naririnig at ang malupit pa nun kinakain na nila yung meriendang Spanish bread at ensaymada namin. Tinitira na nila yung pinagpatakan namin! 

Bakit ganun?! Makatarungan ba yun? Nung malapit ng matapos yung meeting pinakilala na sila at pinagsalita. Lumabas sa bibig nila ang papuri sa amin at solusyon sa mga naging problema namin sa climb. Ayuz, kala ko pati sila may pasermon din.. Sa post climb lahat ng baluktot, tinutuwid nila. Lahat ng malabo, nililinaw. Lahat ng nangingitim, kinukula. Mahaba, mainit at puno ng tensyon ang meeting. Simula nun kinakatakutan ko na ang postclimb bilang aplikante.
Pero ano nga ba ang post climb at paano yun ginagawa?
WHO: Participants of the climb. Officers and members. Alumni, adviser and grievance committee (minsan). Yung ipo-post climb na tao kailangan present.
WHEN: After the proper climb usually within 3 to 5 days. Pwede ring after ng maligo sa resort at before umalis pabalik bg Manila. Whenever basta asap!
WHERE: School Tambayan, ORRSCRO, room, members house, resort, luneta park, kahit saan basta walang makikialam na outsider.
WHAT: It is a simple meeting tackles about the pre climb and the proper climb. Climb’s assessment. Participants should share the strong and weak points of the activity
Duration: 1 to 3 hrs. Sometimes seconds lang tapos na.
PROCEDURE: Post climb meeting always starts with the prayer. Hosted by the president or the Team Leader. Reporting of expenses, equipment inventories, issues after issues ang pag uusapan. Lahat ng participants dapat/kailangan magsasalita during the said meeting.
Applicants muna ang totokis. Minsan simpleng “thank you” sasabihin nila sa grupo or “ok lang masaya”. Ang mga aplikante usually maraming problema lagi daw silang nakikita. Sa umpisa alaluts lang sila. Pero habang dumadami ang mga nagkwento unti-unti na rin lumalakas ang loob nila para isingaw ang mga issues ng mga batang “mountaineers”. Habang nagsasalita ang mga aplikante, nakatahimik lang ang mga miyembro.
Post climb meeting. Eto na ang pagkakataon ng mga aplikante i-express ang kanilang guni-guni sa climb. Lagi nilang naririnig kasi ang katagang “gawin mo muna yang pinagagawa sa yo, bago ka mag reklamo!”. Oo mga aplikante, eto na yung time nyo para mag reklamo sa mga buwakaw, mayayabang, masusungit, mapang asar, utusero, power tripping na mga miyembro. 
Isipin nyo, ang sarap ng buhay nyo sa bahay di ba? Hindi nga kayo nauutusan magwalis, mamalengke at magluto. Pagtapos ng 2hrs na climb bigla ka na lang uutusan mag pitch ng tent. At habang sumisimple ka sa pagpapahinga sa loob ng tent mo bigla ka na naman tatawagin para ilabas yung mga pagkain and for sure sa inyo ring aplikante bagsak ang pagluluto. Ganun? Mga bossing noh? Pagkatapos kang asarin at paglaruan nung gabi, ngayon naman uutusan lang kayo sa taas ng bundok na magpulot ng basura then you will bring those shits down!. Hindi mo nga alam kung may uhog yung tissue na kinukuha mo sa damuhan o naikiskis na yun sa balat ng tao. Kadiri di ba? Pati bote ng gin na hindi ka naman tumagay dadalhin mo rin pababa! Pati yung pinaglagyan ng suka at toyo na hindi naman ikaw ang nagdala paakyat, tiyak yun kasama mong pababa! Unfair? Kapal nyo members!
Lahat ng yan pwede mong sabihin sa post climb. Applicants are encourage to speak as long as they can and as much as they can! Magreklamo ka lang ng magreklamo. Naputikan, naulanan, nagutom, nawalwal at lahat ng masasamang experiences mo sa bundok isigaw mo dito. Wag kang mahihiya! Walang masama kasi eto na yung venue mo. Katulad sa Democracy may Freedom of Speech at eto na yung arena mo …Ang post climb meeting. Alleluya ba? 
Alam mo bang sa post climb may umiiyak
? Oo normal lang yung umiyak sa meeting. Hindi sila S Classs na nilalang. Hindi sila mahihina. Sila yung mga tinatawag kong nausog. Sa post climb makakakita ka ng namumutla, nagkukuyakoy, pinagpapawisan, nanlalamig ang mga kamay, mga kabadong sundalo, nangignig pag nagsasalita. Dito nyo makikita sila Bull at si Siyet na nagsasagupaan! Sa post climb makikita mo ang mga naka SUPER SAIYAN pati electromagnetic force ramdam ng balahibo mo. Ang electrobascillus shirota strength nakapaligid sa iyo.
Common Mistiks at reklamo:
1. Basura.
2. Basura.
3. Basura.
4. Late sa meeting place.
5. Maling meeting place kaya hindi nakasama.
6. Ligaw.
7. Nanliligaw sa trail!
8. Maingay na makulit. (Iba ang maingay na masaya)
9. Tamad.
10. Walang dalang group equipment.
11. Walang tubig.
12. Walang messkit
13. Walang pera pero sumama pa rin!
14. Walang gamit pero sumama pa rin!
15. Naghatid lang sa station sumama pa rin!
16. Walang dalang gin!
17. Napikon dahil kay Kuring.
18. Nasobrahan sa biro.
19. May nangulit sa loob ng tent.
20. Walang jacket!
21. Walang training kaya Tumirik tiklop-tuhod, tukod-mukha.
22. Naka focus lang sa syota kaya walang pakinabang
23. Etc
Ang mga miyembro parang mousetrap sila, naghihintay lang ng bubwit. Pag miyembro na ang magsasalita, makinig ka lang sa kanila. Ang sasakit magsalita ng mga yan! Ramdam ng ego nyo ang sahig. Kung gaano karami ang binatong reklamo ng mga aplikante, ibabalik lahat yan ng miyembro at doble-doble pa! Wala kayong lusot, lahat ng gusot nyo sa climb hahagupitin ng mga maiinit na salita samahan pa ng mga mala-asidong tumatalsik-laway. Minsan kapwa miyembro nag dedebate. Wala silang pakiaalam kung ubusin man nila ang buong oras mo sa pakikinig. Minsan yang mga nagdedebate na yan magbabarkada, magSYOTA
o laging magkasama sa gimik. Yari na kung yari, kulang na lang mag away at magsuntukan. Mayabang ang dating parang si Alfred. Palibhasa hawak nya ang ispiritwal na espada! Parang araw, mainit masyado at malakas pero may mga laman lahat ng sinasabi at siguradong may matututunan ka. Pero wag kang matatawa kung nabubulul sila, sadya yan kasi medyo bago pa lang sila sa posisyon nila. Kung nagsasalita sila Brutus wag kayong yuyuko. Pagmasdan nyo lang silang nagsasalita laban sa inyo. Titigan nyo. Sa puntong ito puro galit na at sama ng loob ang nakapalibot sa kwarto. Boy tandaan mo, sila Brutus ang UNANG TUTULONG sa iyo pag kinantot kayo ng malas sa taas ng bundok! Yung tatay, nanay, ninong, si bestfriend at lastikman wala silang maitutulong sa iyo habang sinusutil ka ni Kalikasan.
Ang susunod na magsasalita ay yung mga 5thyr 6thyr 7th yr 8th yr sa adamson kasama nila sa pila yung mga alumni. Sila yung mga batikan na sa postclimb. Mga intelehente kung magsalita. Kewl na tao
. Madaling lapitan. Kadalasan puro papuri. Minsan uulanin ka nila ng magagandang salita at ang kasunod ay ang mga nagawa mong hindi naaayon sa MESAU. Pinipili nilang mabuti ang mga salitang binibitawan. Kapupulutan lahat ng sinasabi. Words of wisdom. Yung mga hindi naiintindihan sila ang nagpapaliwanag. Sila rin pala yung sumasabat sa kalagitnaan ng iyak ng aplikante at debate ng mga miyembro. Sila yung nagpapatawa or icebreaker. Kung may nagawa man silang mali at kahit konting mistik, sa bibig mismo nila nanggagaling ang “sorry at pasensya na”. WAG na WAG mo silang babarahin at maaasar ka lang! Minsan sila rin ang dahilan kung bakit may naging pasaway sa bundok. Bibihira lang na mga aplikante ang tumitira sa mga tulad nila. Kung nag-air ka ng issue sa isang idol kadalasan ngiti lang ang igaganti nila sa inyo at ang nagsasalita at nagtatanggol para sa kanila ay walang iba kundi ang kanilang Atty who is another idol (un fair na naman…?). Sila ang may karapatan sa katagang “been there, done that”. Sila rin ang may nagmamay-ari ng “seconds lang tapos na ang postclimb”.
Paano ginagawa ang “seconds lang tapos na postclimb”?
Ganito yan idol. Pagkatapos mismo ng climb ang Pres/TL ang unang magtatanong…
President/Team Leader: Ikaw may problema ka?
Idol1: Wala!
Idol2: Wala!
Idol3: Wala!
.
.
.
.
.
President/Team Leader: Ikaw may problema ka?
Solo applicant: Meron, marami! Ginawa nyo kong alila, sana hindi na lang ko sumama sana….uhmmmm (naputol yung sinasabi)
President/Team Leader: Ok. Tapos na ang meeting!!!
Yan ang example ng “Seconds lang tapos na postclimb”. Almost Perfect Climb din ang tawag ko dyan. Paano nga ba ginagawa ang APC? . Siguro magic ang kailangan nun! Depende kasi kung ibibigay sa iyo ng bundok, sa gamit, sa panahon at ang pinaka importante ay naka depende kung sino ang makakasama mo sa climb.
Read the rest of this entry »