thoughts on mayoyao

  
sabi sa invitation “arm yourself with a lot of patience” sa biyahe from santiago to mayoyao, di sila nagbibiro, yung estimated travel time na six hours kakayanin siguro ng three hours lang, di mo maintindihan bakit tumitigil yung minibus madalas at naghihintay ng matagal kahit na puno na yung bus…

 
you have to give credit dun sa mga minibus, ang galing sa rough road lalo na sa mga patirik na parte ng kalsada…
himala! nagbayad ang mesau sa registration…
hindi pa commercialized ang mayoyao tulad ng ibang lugar…
malakas ang signal ng cell sa basecamp pero pag lipat mo ng ibang bundok laglag na yung signal…
mababait ang mga locals…

  
mainit sa camp site…
bawal ang kupal sa kitchen, paano yan, kupal kame, saan kame dadaan?
walang tama ang tapuy…
si angel nahulog sa bangin, naglalakad habang umiihi…
slacks! di ako makahinga!

  
ayaw agad umakyat pataas si angel kasi hinahanap pa nya yung isang kapares ng havaianas nya…
gabi-gabi tumitira kame ng isang case ng red horse grande na kami lang tatlo ang umuubos, pag naubos na saka kami makiki mingle sa ibang grupo…
hanip ang day hike tour, eight hours na lakaran at up and down sa rice terraces, parang nag major climb ka na rin sa tagal ng lakaran pero astig yung mga view na madadaanan…
sino si LT?

  
ang sarap ng naka zoom lense, ang dami mong candid shots na kuha…
si regie nakabonfire pa habang…
“tangina nyo mesau! nilasing nyo ko! pero mahal ko kayo!”
kada daan mo sa camp site ng mga ibang grupo, may naka extend na ng tagay para sa yo, pag dating mo sa sarili mong camp site medyo may tama ka na…
sino yung malakas humilik kagabi? dolby digital yung hilik…
  
mahuhusay ang mga local guide sa tour, they know their area at ang dami pa nilang kwento…
hindi sapat ang inaani sa mayoyao rice terraces para suplayan ang buong mayoyao ng bigas…
“puff, the magic dragon lived by the sea, and frolicked in the autumn mist in a land called honah lee…”
meet chang, astig na old school photographer, walang sinabi yung mga naka dslr…
congrats kay fadz, panalo yung dalawa pics na sinubmit sa photo contest, yung isa first place at yung isa pasok sa top ten…
mesau 2010?
view more pics from mayoyao here: jon cam and fadz cam

Related Post

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *